Centered Image

ARUGA PARA SA MGA BEDRIDDEN SENIORS NG BARANGAY SAN MIGUEL

BAKIT ITO GINAGAWA NG SMPSCI?


Ito ay kaparte ng Klinika Para Sa Lolo at Lola na ngayon ay ginagawa ng Samahan habang inaayos ang Klinika ng SMPSCI.

Itinuturing mga “least of the Senior Brethren” ang mga bedridden seniors na ito sa ating komunidad. Naniniwala kaming “whatsoever you do to the least of your brethren, that you do unto Me (Christ).”

LEAST dahil:

1. Sila ay maysakit at walang kakayahang lumabas ng bahay;

2. Hindi sila nagiging prayoridad sa kanilang pamilya dahil ang kanilang mga anak na nagaalaga sa kanila ay mayroon na ring mga sariling pamilya;

3. Sila ay “helpless” – hindi makapunta sa mga doctor para sa regular check – up, hindi makahingi ng gamot sa LGU, para silang mga taong nakakulong sa kanilang pamamahay na walang kakayahang magpahangin man lang o mamasyal;

4. Napapabayaan na sila ng ating Lipunan.

Ang mga kapwa senior na lamang nila ang pupuwedeng makaintindi sa kanilang kalagayan at pupuwedeng mapunuan ang pagkukulang sa kanila ng kanilang pamilya, ng DSWD, ng LGU, ng Barangay, ng OSCA, at iba pang institusyon.

Subali’t limitado lamang ang mga “resources” ng mga opisyales ng SMPSCI na sila mismo ay mga retirado na, wala nang pinagkikitaan, at kahit allowance ay walang ibinibigay sa kanila; sariling gastos nila ang kanilang transportation costs at kaunting pasalubong para sa mga bedridden seniors.


Sa ngayon ay mayroon nang 65 bedridden seniors ang na IDENTIFY ng SMPSCI sa Barangay San Miguel, at ang bilang na ito ay dumadami pa habang sila ay nagaaligid. Totoo palang ang mga seniors natin ngayon ay ang mga tinaguriang “BABY BOOMERS” (pinakamarami sa bilang ng ating populasyon na ipinanganak matapos ang World War 2).


Kinakailangang LOGISTICS ng SMPSCI para sa proyektong ito:


1. Tricycle Allowance

2. Pasalubong para sa mga bedridden seniors katulad ng groceries, biscuits, diaper, bitamina at gamot, alcohol, skin lotion, kumot, libro, religious items, atbp.

3. Uniporme, Face Masks, Alcohol para sa mga ARUGA LADIES AND GENTLEMEN.

4. Baterya para sa mga medical devices.

5. Kaunting snacks para pampapawid ng gutom, uhaw, pagod para sa ating mga ARUGA personnel. Ang bawa’t bisita ay tumatagal ng isang oras :

• Kumustahan;

• Interview ukol sa kanilang kalagayan;

• Pagkuha ng kanilang mga vitals para sa kanilang HealthData Record;

• Pray Over para sa maysakit, kasama ang kanilang pamilya;

• Kaunting Orientation para sa pamilya ng maysakit para maintindihan nila ang kalagayang ng kanilang kasama sa bahay na maysakit.

REKOMENDASYON:


• Ang pagkakaroon ng isang pngmatagalang proyekto para mabigyan ng “QUALITY LIFE” and ating mga bedridden seniors. Isang konkretong MOA na pagkakasunduan ng Pasig LGU, OSCA, DSWD, Barangay San Miguel Health Center, at SMPSCI na ang layunin ay para mabigyan ng quality life ang mga nangangailangang bedridden seniors.

• Isang Health Card para sa mga bedridden seniors na kung saan sila ay makakakuha ng libreng “At-Home-Service” na check up ng doctor, laboratory para sa dugo, delivered meds based on very recent prescription, rehabilitation o therapy, at iba pa.

• SUPORTA para sa SMPSCI sa proyektong ito

SAN MIGUEL PASIG SENIORS CITIZENRY, INC./KLINIKA PARA SA LOLO AT LOLA

○ NELIA HERNANDEZ - President

○ EDUARDO FRANCISCO - VP/Medical Director

An unhandled error has occurred. Reload 🗙